-- Advertisements --

Hindi umano natapos ng Department of Justice (DoJ) ang pag-review sa proseso ng planong pagkansela ng pamahalaan at pinasok nitong Visiting Forces Agreement (VFA) sa tropa ng Amerika.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, pinalawig pa kasi ng DoJ ang pag-aaral dito kasunod na rin ng direktiba sa kanila na palawigin pa ang sakop ng kanilang pag-aaral sa nilalaman ng VFA.

Isinama na raw ng DoJ ang sa pag-aaral ang preliminary impact assessment o epekto sakaling tuluyan na ngang kanselahan ng Pangulo ang VFA.

Aminado naman si Guevarra na maaring hindi nila kakayaning tapusin ngayon ang pag-aaral sa kanselasyon ng VFA.

Mas mahalaga raw kasi ang magiging epekto ng VFA cancellation kumpara sa proseso ng pagkansela nito.

Dagdag pa ni Sec. Guevarra, maari ding hilingin niya sa cabinet cluster ng justice, security and peace na matalakay ang Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) at epekto dito ng kanselasyon ng VFA.

Una na kasing nagbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika na ipapawalang bisa nito ang VFA kausnod ng pagkansela ng Estados Unidos sa US Visa ni Sen. Ronald Bato Dela Rosa.

Nagbigay pa ang Pangulo ng isang buwang palugit sa US government para bawiin ang kanselasyon nito sa visa ni Dela Rosa.