-- Advertisements --

Hindi ikinakaila ngayon ng Indiana Pacer na sila ay underdog laban sa Oklahoma City Thunder.

Kasunod ito sa pagbabalik sa homecourt ng Thunder ang gaganaping Game 5 ng NBA Finals.

Sinabi ni Pacers head coach Rick Carlisle na noong Game 4 ay hindi nila lubos akalain na nasungkit pa ng OKC ang panalo at naitabla sa 2-2 ang serye sa sariling homecourt ng Pacers.

Inamin nito na naging stagnant na lamang sila kaya nabitiwan nila ang noon sana na 3-1 na kalamangan.

Naging maganda aniya ang ginawang play ng Thunder sa bawat possession kung saan nagkaroon ng switching, trapping at swarming sa kung sino ang may hawak ng bola.

Pagtitiyak nito na hindi masasayang kanilang mga efforts para tuluyang matapos ang serye.