Mag-uunahan ngayon ang Indiana Pacers at Oklahoma City Thunder kung sino ang makakakuha ng kalamangan matapos na magtabla sa 1-1 ang NBA Finals.
Itinuturing naman ng Thunder na isang hamon sa kanila ang Game 3 dahil sa lilipat na sa homecourt ng Pacers ang laro.
Aminado naman si Pacers coach Rick Carlisle, na dadaan pa rin sila sa pagsubok dahil sa naging mahigpit ang scoring sa resulta noong Game 1.
Ilan sa mga maaring istratehiya nilang gagawin ay ang pagpigil kay Thunder guard Shai Gilgeous-Alexander.
Magugunitang noong Game 1 ay ginulat ng Pacers ang homecourt ng Thunder at nahabol nila ang 15 points hanggang makuha ang dikit na panalong 111-110.
Pagdating naman ng Game 2 ay hindi na hinayaan ng OKC na maulit ang bangungot ng Game 1 kaya nila tinambakan ang Pacers 123-107.