-- Advertisements --

Magbibigay ang gobyerno ng Amerika ng P15 million para sa judicial reform program ng Pilipinas ayon sa US Embassy sa Manila.

Ito ay kasunod ng pormal na paglunsad ng bagong US government assistance para suportahan ang nagpapatuloy na judicial efforts ng bansa na pinangunahan nina US Ambassador MaryKay Carlson at Chief Justice Alexander Gesmundo.

Iginawad ng US State Department’s Office of International Narcotics and Law Enforcement Affairs ang naturang grant sa US National Center for State Courts (NCSC) para tumulong sa pag-implementa ng Manila Justice Sector Reform Program bilang suporta sa 2022-2027 Strategic Plan for Judicial Innovations ng Korte Suprema.

Layunin ng naturang programa na magkaroon ng isang pundasyon para sa hinaharap na reporma sa justice system ng bansa.