-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Housing Authority (NHA) na magbigay ng P100 million halaga ng tulong sa mga residente ng Dinagat Islands na nasira ang bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.

Ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, makakatulong ang housing aid na ito sa mga residente na ang mga bahay ay kung hindi man partially damaged kundi totally damaged din.

Kahapon, binisita ni Pangulong Duterte kasam ang iba pang opisyal ng pamahalaan ang mga biktima ng bagyo sa Dinagat Islands.

Nangako sila na magbibigay ng agarang tulong at pabibilisin ang reconstruction ng mga nasirang bahay pati na rin ng clearing operations sa lugar.

Inatasan din ng pangulo ang DSWD na magbigay ng cash assistance sa mga apektadong pamilya at patuloy na bigyan ang mga ito ng family food packs.

Samantala, ang DILG naman ay inatasan na bantayan at pangunahan ang disbursement ng financial aid.