CENTRAL MINDANAO-Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) ang tatlong high value target sa Lanao Del Sur.
Nakilala ang mga suspek na sina Faiza Hadjiraof alyas Madam,Amersab Ebra Macabato at Hadji Raifa Rasul,mga residente ng Barangay Dilimbayan Lanao Del Sur.
Ayon kay PDEA-BAR Regional Director Rogelito Daculla, na ikinasa nila ang Search Warrant Implementation laban sa mga suspek katuwang ang pulisya at militar.
Narekober sa mga suspek ang 1,500 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 10.2 milyon pesos,mga drug paraphernalia
cash money na nasa P10,000.00, identification cards, 1 unit ng cellphone, mga bank books at isang unit ng kulay Tangerine na Nissan Navara pickup.
Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng PDEA-BAR sa Cotabato City at sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.