Nagbukas na rin ng dormitoryo para sa COVID-19 response frontliners ang Office of the Vice President (OVP) sa Cebu City.
Kung maaalala, nitong linggo nang magpadala ang tanggapan ni VP Leni Robredo ng team ng medical professionals para makadagdag sa pangangailangan ng lungsod sa health frontliners.
Batay sa online post ni Robredo, matatagpuan sa Brgy. Banilad, malapit sa North General Hospital ang nasabing dormitoryo.
“Our dorm is open for health workers, medical practitioners, and other frontliners involved in offering essential services amid the COVID-19 crisis.”
Dahil protocol ang physical distancing, limitado lang ang maaaring manuluyan sa nasabing pasilidad. Kaya hinimok ng tanggapan ang mga interasadong frontliner na magpasa ng request at requirments sa: ovpfreedormservice@gmail.com; o magpadala ng mensahe sa numerong: 0998 591 7408 (Contact person – Andrea).
Kabilang sa kailangan ipadala na impormasyon ng frontliners ay ang:
- Full name
- Gender
- Contact number
- Email address
- Current home address
- Emergency contact (name, contact details, and relationship to the applicant)
- Civil status
- Designation and hospital / organization where the applicant is working
- Schedule of shift
“Stay tuned for more updates on our official Facebook page and other social media platforms. Daghang salamat!”
Bukod sa dormitoryo para sa frontliners, may ilulunsad din daw na libreng shuttle service ang OVP sa iba’t-ibang bahagi ng Cebu province.
“Iyong first route, mag-uumpisa sa Bulacao to Fuente Osmeña. Iyong second route, from Fuente Osmeña to Mandaue. Iyong third route, from General Hospital to Fuente Osmeña.”
“Hopefully, iyong mga galing sa labas ng city, magkaroon ng facility. Ito kasi, Ka Ely, mag-uumpisa tayo city lang muna. Pero mag-e-expand tayo sa labas. Siguro ang tinitingnan po natin, Talisay, Mandaue, Lapu-Lapu. Nag-a-assess pa po tayo hanggang ngayon.”