ILOILO CITY – Gaganapin na ngayong araw ang Dinagyang 2023 Opening Salvo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Co. Rene Obregon, deputy director for operations ng Iloilo City Police Office, sinabi nito na mahigpit ang kanilang ipapatupad na seguridad kasabay ng Opening Salvo.
Tema ngayon taon ang Pasalamat kay Señor Santo Niño.
Kabilang sa mga dadalo sa Opening Salvo ang walong competing tribes ng Dagyang sa Barangay na kinabibilangan ng Tribu Sagasa, Ilonggohanon, Sagrada Familia, Molave kang Salog, Kanyao sang Baybayanon, Parianon, Halimau, at Pana-ad.
Maliban dito, makikisali rin ang pitong competing tribes sa Dinagyang ILOmination na mula sa distrito sa Iloilo City na kinabibilangan ng Iloilo City Proper, La Paz, Lapuz, Jaro, Molo, Mandurriao at Arevalo.
Magtatanghal naman sa bawat performing tribes sa apat na mga judging areas sa Iloilo City.