Nakatakdang buksan sa bayan ng Antique ang isang Ombudsman satellite office pagsapit ng Agosto ngayong taon.
Pangunahing layunin nito na ilapit ang kanilang mga serbisyo sa mga Antiqueños.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires hinihintay na lamang nila ang pagkumpleto ng City Mall sa San Jose de Buenavista upang paglagyan ng kanilang satellite office.
Aniya, natigil ng pandemya ang kanilang planong magtatag ng satellite offices sa bawat probinsya sa bansa.
Iniulat pa ni Martires na mayroon silang satellite office sa Iloilo City, na nagsisilbi sa ibang mga probinsya sa Panay Island.
Sinabi rin nito na ang pagbubukas ng satellite office sa Antique at iba pang mga lalawigan sa bansa ay inaasahang mapipigilan ang paglobo ng mga clearance application.
Batay sa datos, aabot sa humigit-kumulang 11,000 ang mga application for clearance sa Manila habang apat na libo naman sa Visayas partikular na sa Cebu.