-- Advertisements --

Nananatili pa ring paboritong manalo sa Game 2 ng NBA Finals ang Oklahoma City Thunder laban sa Indiana Pacers.

Base sa mga basketball odds sa US na heavy -favorite na manalo ang OKC kaysa sa Pacers.

Inaasahan din ng mga basketball experts na hindi papayag ang OKC na muli silang gulatin ng Pacers at ibaon sila sa 2-0.

Sa first game kasi ay napahiya ang OKC sa sarili nilang homecourt ng maipasok ni Tyrese Haliburton ang kaniyang game-winning jumper at mabura ang 15 points na kalamangan.

Gaganapin ang Game 2 ng NBA Finals ng alas-8 ngayong umaga.