-- Advertisements --
Hindi pa rin matitigil ang kalbaryo ng mga motorista hanggang sa susunod na linggo dahil malaki ang posibilidad ng muling pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Oil Industry Management Bureau director Rino Abad, na maaring mangyari ito kung patuloy ang bantas ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan ng dalawang milyong bareles kada araw ng kanilang produksyon ng langis sa buwan ng Nobyembre.
Wala rin itong idea kung hanggang kailan ang mararanasan oil price increase at kung magkano ang idadagdag sakali.
Magugunitang nitong pinakahuling oil price mayroong P6.85 ang idinagdag sa kada litro ng diesel habang mayroong P1.20 sa kada litro ng gasolina at P3.50 sa kada litro ng kerosene.