-- Advertisements --

Na-aresto ng mga pulis sa Caluya, Antique ang number one most wanted person (MWP) sa Western Visayas na may kasong rape.

Ito ay si Dennis Malacad alias Nognog, 51, residente ng Barangay Sabang, Caluya.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pol. Lt. Col. Arnel Solis, spokeperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na Marso 2018-Hulyo 2019 pa umano na-gawa ang pagpanghalay laban sa biktima.

Ayon pa kay Solis, hindi rin umalis si Malacad sa Caluya, Antique mula nang naharap ito sa seven counts ng kasong rape.

Si Malacad rin ang tagged number one Most Wanted Person sa Caluya at sa buong lalawigan ng Antique.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng Caluya Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit 6, Antique Police Provincial Office – Intelligence Unit, at Maritime Police – Culasi.