-- Advertisements --

Cauayan City- Dinakip ang number 6 at 7 number most wanted person municipal level kabilang ang isang menor de edad dahil sa kasong pangagahasa sa Brgy. Mozzozzin Sur, Sta. Maria, Isabela.

Ang mga akusado ay isang labinwalong taong gulang na lalaki,grade 12 at isang menor de edad na grade 11 kapwa residente ng Barangay Mozzozzin Sur Sta. Maria,Isabela,

Naaresto ang dalawang akusado matapos na isilbi ng Sta. Maria Police Station ang mandamiento de arresto inilabas ni hukom Felipe Jesus Torio II, Executive Judge ng Regional Trial Court Br. 22, Cabagan, Isabela para kasong rape o panggagahasa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay PCpt Rogelio Natividad officer in charge ng Sta. Maria Police Station sinabi niya na bago mangyari ang panggagahasa ay nagkayayaan ang dalawang estudyante kasama ang biktima na minor de edad na babae sa isang inuman.

At nang malasing na ang menor de edad na biktima ay doon na isinagawa ng mga pinaghihinalaan ang panghahalay.

Ang dalawang pinaghihinalaan kabilang ang menor de edad ay dinala na sa himpilan ng Sta Maria Police Station para sa dukumentasyon bago maipasakamay sa court of origin.