-- Advertisements --
Naglabas ng hurricane force wind warning sa unang pagkakataon ang National Weather Service.
Kasunod ito sa nararanasang atmospeheric rivers sa malaking bahagi ng northern California.
Ang nasabing sama ng panahon ay may dalang hangin ng 40-63 miles per hour at pagbugso ng hanggang 92 miles per hour.
Naglabas na rin ng San Jose City sa Northern California ng mandatory evacuation sa mga naninirahan malapit sa Guadalupe River dahil sa inaasahang malawakang pagbaha.
Inihanda na ng mga residente ang mga sandbags para pangontra sa mga pagtaas ng tubig.
Ang atmospheric river ay grupo ng concentrated water vapor na maituturing na isang ilog na nasa kalawakan na may 1,000 miles ang haba.