Muling nagpakawala ang North Korea ng dalawang short-range ballistic missiles.
Ayon sa South Korea Joints Chief of Staff, na nagmula ang pagpapalipad sa Munchon area ng Kangwon Province at dumiretso sa katubigan.
Sinabi naman ni Japanese State Minister of Defense Toshiro Ino na pinakawalan ang missile sa pagitan ng 1:47 hanggang 1:53 ng umaga nitong Linggo.
Ang nasabing missile ay lumapag sa labas ng Exclusive Economic Zone ng Japan.
Lumipad ang unang missile sa may 350 kilometers na mayroong taas ng hanggang 100 kilometers.
Dahil dito ay mas pinaigting ng South Korea ang kanilang surveillance at pagbabantay sa lugar.
Ito na ang pang 25 missile launch na inilunsad ng North Korea ngayong taon.
Pinayuhan naman ng Japanese goverment ang kanilang coastguard na huwag lapitan ang anumang makita nilang debris sa karagatan na galing sa missile ng North Korea.