-- Advertisements --

Ang bilang ng mga namatay mula sa isang Thai nightclub inferno ay tumaas sa 20, habang ang mga biktima ay patuloy na tumatanggap ng medikal treatment.

Ang sunog ay sumiklab sa Mountain B Club sa lalawigan ng Chonburi — humigit-kumulang 150 kilometro (93 milya) sa timog-silangan ng Bangkok.

Natagpuan ng mga awtoridad ang 13 sunog na bangkay sa loob ng venue.

Pitong iba pa ang namatay mula sa kanilang mga injuries, na ang pinakahuling nasawi ay isang 50-taong-gulang na lalaki, sinabi ng Chonburi provincial public health office.

Lahat ng biktima ay mga Thai national.

Mayroong 25 na nasugatan na patuloy na nagpapagamot sa mga ospital, na may siyam na naka-ventilator.

Ang nasusunog na acoustic foam sa mga dingding ng club ay nagpabilis ng sunog at tumagal ng mahigit tatlong oras ang mga bumbero upang makontrol ito.

Kinumpirma ng isang senior police officer ng Chonburi province noong Sabado na ang mga may-ari ng club, isang mag-ama, ay kinasuhan ng sanhi ng kamatayan sa pamamagitan ng kawalang-ingat at pagpapatakbo ng isang pub nang walang lisensya.

Pareho namang nakalaya sa piyansa ng lokal na korte ang mga ito.

Nauna nang iniutos ni Ang nasusunog na acoustic foam sa mga dingding ng club ay nagpabilis ng sunog at tumagal ng mahigit tatlong oras ang mga bumbero upang makontrol ito.

Kinumpirma ng isang senior police officer ng Chonburi province noong Sabado na ang mga may-ari ng club, isang mag-ama, ay kinasuhan ng sanhi ng kamatayan sa pamamagitan ng kawalang-ingat at pagpapatakbo ng isang pub nang walang lisensya.

Parehong nakalaya sa piyansa ng lokal na korte ang mga ito.

Nauna nang iniutos ni Prime Minister Prayut Chan-O-Cha ang imbestigasyon sa trahedya.