-- Advertisements --
Doble kayod ngayon ang mga opisyal ng New York City sa paggawa ng mga mass grave.
Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng mga namamatay amtapos na dapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon sa mga opisyal ng lungsod na inilalagay nila sa Hart Island ang mga bangkay na walang mga kamag-anak at mga pamilya na walang kakayahan na magbayad ng pampalibing.
Hindi bababa sa 25 mga bangkay ang inililibing sa lugar tuwing linggo.
Ang Hart Island malapit sa karagatan ng Bronx sa Long Island Sound ay 150 taon ng ginagamit ng mga city officials bilang burial site.