Nagmatigas pa rin si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na kaniyang ipagpapatuloy ang pag-atake sa Rafah City sa Gaza kahit na mayroong usaping pagkapayapaan sa pagitan nila ng Hamas.
Dagdag pa nito na kaniyang sinabi sa mga kaanak ng mga bihag ng Hamas na hindi sila magpapagil sa pag-atake sa Rafah City meron man o walang kasunduan.
Ang nasabing pahayag na nito ni Netanyahu ay matapos ang ikinokonsidera ng Hamas na pag-aralan ang panibagong usaping pagkapayapaan.
Magugunitang isinusulong ng Qatar at Egypt bilang mga mediator na magkaroon ng pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas at ang pagkakaroon ng permanenteng tigil putukan.
Wala pang konkretong plano ngayon ang US para ilagay sa ligtas na lugar ang mga mamamayan ng Rafah sakaling ituloy ng Israel ang pag-atake.
Ayon kay State Department spokesperson Vedant Patel na kanilang titignan muna ang credible na plano ng Israel bago tugunan ang nasabing usapin.
Magugunitang iginiit ni US President Joe Biden na hindi nila sinusuportahan ang anumang atake ng Israel sa Rafah.