-- Advertisements --

May nakalaan na contingency plan ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa epekto sa ekonomiya ng El Nino phenomenom.

Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, na maaga pa lamang ay napaghandaan nila ang posibleng kakapusan ng suplay ng tubig at manipis na suplay ng enerhiya sa bansa.

Nakipag-ugnayan na rin sa ibang mga ahensiya ng gobyerno ukol sa nasabing usapin.

Pagtitiyak nito sa publiko na hindi maapektuhan ang lagay ekonomiiya sa bansa dahil sa El Nino.