-- Advertisements --
Nilinaw ng Malacañang na hindi pa ganap na abswelto si NCRPO chief Major Gen. Debold Sinas sa kinakaharap nitong kaso kaugnay sa kontrobersyal na mañanita na sinasabing nalabag ang social distancing at quarantine protocols.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang nakikitang masama sa birthday party ni Gen. Sinas at mananatili daw ito sa pwesto.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang tinuran lamang ni Pangulong Duterte ay mananatili si Sinas sa pwesto at walang komento sa kasong kinakaharap ng heneral.
Ayon kay Sec. Roque, hindi pa natin alam ang susunod na mangyayari dahil nagpapatuloy ang proseso ng kaso ni Sinas.
Maliban sa kasong kriminal, nahaharap din si Gen. Sinas sa administrative charges.