-- Advertisements --

Mahigpit ang direktiba ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa operasyon ng Wellmed Dialysis Center.

SIinabi ni Justice Usec. Mark Perete, ang hakbang ni Guevarra ay kasunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa NBI na ipaaresto na ang may-ari ng kontrobersiyal na dialysis center.

Ani Perete, inutusan ni Guevarra si NBI Director Dante Gierran na gawin na ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Perete na hihintayin muna ng DoJ ang resulta ng pagsisiyasat, bago maglabas na iba pang komento.

Kung mapatunayang may pananagutan ang Wellmed ukol sa mga ghost dialysis patients ay maaaring aksiyunan na ang pagpapaaresto sa mga opisyal ng dialysis center.