-- Advertisements --

Sanib pwersa ngayon ang National Bureau of Investigation at ang Philippine Coast Guard na layon palakasin pa ang isinasagawang maritime law enforcement sa mga karagatang sakop ng bansa

Ang naturang memorandum of agreement ay makatutulong rin upang mas tumibay ang kanilang koordenasyon at kooperasyon sa pagsasagawa ng mga operasyon.

Batay sa nakasaad sa MOA, magtutulungan ang dalawang bansa sa mga imbestigasyon at maging prosecution sa mga kahalintulad na maritime Crimes.

Mapapalakas rin ng dalawang ahensya ng gobyerno ang kanilang pakikipaugnayan sa mga lokal na pamahalaan o sector, at iba pang ahensya ng gobyerno.

Samantala, nanguna naman sa ceremonial signing sina NBI Director Medardo de Lemos at PCG Admiral Ronnie Gil Gavan.

Ito ay ginanap mismo sa opisina ng NBI sa lungsod ng QC.