
Mistulang naghiganti ang mga players ng Milwaukee Bucks laban sa karibal na Miami Heat mula sa pagkatalo nila sa Game 1.
Ito ay kahit pa hindi nakapaglaro ang superstar ng Bucks at 2021 NBA Champion Giannis Antetokounmpo, dahil sa kanyang back injury na unang tinamo sa Game 1.
Pinangunahan ni Jrue Holiday ang naging opensa ng Bucks sa kanyang 25 pts at 11 assissts. Pitong mga players ng Bucks ang kumamada ng double-digit score, kasama na ang dalawa nilang bench players na sina Pat Connaughton at Joe Ingles.
Sa panig ng Miami Heat, hindi naging sapat ang 25-point performance ni Jimmy Butler upang maipanalo ang naging laro. Tanging si Butler lamang ang nagbuhos ng mahigit dalawampung puntos habang ang lahat ng kanyang kasamahan ay mas mababa na sa 20pts.
Sa unang bahagi pa lamang ng laro ay kontrolado na ng Bucks ang takbo ng laban matapos silang magbuhos ng 81 pts sa 1st half ng laro.
Samantala, ng dalawang unang game sa pagitan ng dalawa ay ginanap sa homecourt ng Bucks habang ang Game 3 at 4 ay gaganapin na sa homecourt ng Miami Heat.
Sa ngayon, wala pang katiyakan kung makakapaglaro na si Giannis Antetokounmpo sa Game 3, habang patuloy pa ring inoobserbahan ang kanyang kalagayan.










