-- Advertisements --

Walang balak ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) at ilang mga European Leaders na magpadala ng mga sundalo sa Ukraine.

Ito ay kahit na nanindigan si French President Emmanuel Macron ang posibilidad na magpadala ito ng sundalo.

Ayon sa NATO na hindi nila nais na lumala ang sitwasyon kung saan lalawak ang gulo laban sa ibang mga bansa.

Una ng sinabi ni Macron na dapat pag-aralan ng mga bansa ang pagpapadala ng mga sundalo sa Ukraine para tuluyang mawakasan ang nasabing kaguluhan doon.