ILOILO CITY – Tiniyak ng Kongreso na hindi malalagay sa alanganin ang national security kasabay ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 85-year-old Commonwealth Act No. 146, o ang Public Service Act, na nagbibigay ng full foreign ownership sa mga telecommunications, airlines, at railways.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay House Deputy Speaker at Economic Affairs Committee Chair Rep. Sharon Garin, sinabi nito na napag isipan nila ng mabuti ang nasabing batas kasama ng kanyang senate counterpart na si Sen. Grace Poe kung saan layunin nila makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino na hindi nalalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa.
Anya ang nasabing hakbang ay makakapagbigay ng daan upang makakapagpalitan ng ideya ang mga dayuhan at mga Pilipino sa ikakaunland ng bansa lalo na sa gitna ng pandemya.
Ninilaw naman ng magbabatas na hindi maaaring makakapagmay-ari ang mga dayuhan ng public utility vehicles, water, electricity, petroleum pipelines, at seaports sa bansa.
Napag-alaman na ang Chief Executive Officer ng SpaceX na si Elon Musk at tinaguriang world’s richest person ay naghayag rin ng interes na maglagay ng satellite internet services sa Pilipinas.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-negosasyon ni Musk sa mga ahensya ng gobyerno para sa kanyang investment sa bansa.