-- Advertisements --

Patuloy na gumagawa ng kasaysayan ang NASA Perseverance rover sa planetang Mars.

Nagawa ng six-wheeled robot na mag-convert ng carbon dioxide mula Martian atmosphere at ginawa itong oxygen.

Ayon sa space agency, pinakaunang pagkakataon ito na nangyari sa ibang planeta.

Sinabi ni Jim Reuter, NASA space technology mission directorate associate administrator Jim Reuter, ito ay pinakakritikal na first step sa pag-convert ng carbon dioxide to oxygen sa planetang Mars.

NASA
An illustration of NASA’s Perseverance rover landing safely on Mars. Hundreds of critical events must execute perfectly and exactly on time for the rover to land safely on Feb. 18, 2021.

Nangyari ang technology demonstration noong Abril 20 kung saan umaasa ang mga eksperto na malaki ang maitutulong nito sa kanilang future human exploration.

Target din ng mga eksperto na hindi lang makakaHawa ang proseso ng oxygen para makahinga ang mga astronaut sa hinaharap, ngunit maaaring makahakot pa ng malawak na oxygen mula sa Earth upang magamit bilang rocket propellant.

Ang nasabing proseso ay ginagamitan ng Mars Oxygen In-Situ Resource Utilization Experiment — or MOXIE.

Ito ay isang gintong kahon na kasing laki ng isang baterya ng kotse, at matatagpuan sa loob ng kanang bahagi ng rover.

Ito ay tinawag nila na “mechanical tree” ng gumagamit ng kuryente at chemistry upang hatiin ang mga carbon dioxide molecule na binubuo ng isang carbon atom at dalawang oxygen atoms.

Gumagawa rin ito ng carbon monoxide bilang isang byproduct. (with report from Bombo Jane Buna)