-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patay ang isang ina matapos masunog ang kanilang tahanan sa Loacan, Itogon, Benguet kahapon.

Nakilala ang biktima na si Maryjane Tongab Balon-angey, 44-anyos.

Batay sa report ng Itogon Municipal Police Station, nagluluto ang anak ng biktima nang biglang sumiklab ang apoy hanggang sa kumalat ito sa buong istruktura ng bahay.

Ayon sa pulisya, nakulong sa loob ng bahay ang biktima na nagresulta sa pagkasunog nito kasama ang bahay na totally burned din.

Nadiskobre sa imbestigasyon ng BFP-Itogon na “gas leak” ang sanhi ng sunog.