-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang pakikiramay at pagpupugay sa namayapang Migrant Worker Secretary Susan “Toots” Ople, ng mga Overseas Filipino Workers sa Europa at Gitnang Silangan.
Matatandaan na hinatid sa kanyang huling hantungan si Ople nitong Martes, August 29. Bago ang kanyang libing sa Heritage Park Taguig, nagkaroon naman ng Requiem Mass sa Department of Migrant Worker building sa pamumuno ni Fr. Jerry Orbos.
Ang negrological service na ginanap sa Malacañang noong Lunes, August 28 ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos kung saan hindi naman napigilan ng Pangulo at naging emosyonal ito.
Dagdag pa rito, nag-alay naman ng Requiem Mass sa London para alalahanin si Ople at ang kaniyang legasiyang iniwan sa mga mangagawang filipino abroad.