CENTRAL MINDANAO-Matapos ang halos apat na taon, nakatakdang rarampa muli ang mga magagandang dilag sa pinakamalaking beauty pageant ang Mutya ng North Cotabato.
Batay sa post ng Mutya ng North Cotabato facebook page, isasagawa ang screening ng mga nais maging kandidata mula July 11 hanggang 13 ngayong taon sa Governor’s Cottage, Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.
Sa mga nagbabalak na sumali narito ang requirements: must be 5”5 in height, 18 to 25 years old, at with Pleasing Personality & Good Moral Character.
Magdala lamang ng Barangay Clearance (Certificate of Residence), 2×2 ID Photo at Portrait Shots (Close Up & Whole Body).
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa numerong 0948-314-9550 at hanapin si Helenshiela Reyes.
Matatandaang huling nagkaroon ng Mutya ng North Cotabato noong 2018 na isinagawa sa bayan ng Banisilan kung saan ang nagwagi ay si Summer Fernandez.
Batay sa nakalap na impormasyon nakatakdang isagawa ang Mutya ng North Cotabato 2022 sa bayan ng Midsayap.