-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Mamamahagi ng libreng facemask at alcohol ang Muslim Community dito sa lungsod ng Baguio sa Pebrero 7 kasabay ng banta ng 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Atty. Yasser Guru, lider ng National Commission on Muslim Filipinos-Baguio City, ipapamahagi ang mga libreng facemask at alcohol sa sampung mosque sa lungsod.

Aniya, pagkatapos mabigyan ang mga mosque ay mamamahagi din sila facemask at alcohol sa Session Road, Baguio City.

Inihayag ni Guru na sa Metro Manila pa sila bumili ng facemask dahil wala ng mabiling facemask dito sa Baguio City.

Kasabay nito ay ipinayo ni Guru ang pakikiisa ng mga mamamayan sa mga awtoridad para masugpo ang 2019 novel coronavirus.