Inanunsyo na ng Miss Universe Philippines 2024 ang mga kandidato na pasok sa Top 5 sa Swimsuit Challege nito.
Nasungkit ito nina Dia Mate ng Cavite, Patricia Bianca Tapia ng Hawaii, Alexie Mae Brooks ng Iloilo, Ahtisa Manalo ng Quezon Province, at Jet Hammond ng Southern California.
Ang winners ay nakabase sa votes at ang top winner naman ay agad na magkakaroon ng puwesto sa finals.
Kung matatandaan, inanunsyo na rin ng MUPH ang 3 winners sa National Costume Competition na ginanap sa Sultan Kudarat noong nakaraang linggo. Nasungkit ito nina Tamara Ocier ng Tacloban, Alexie Brooks ng Iloilo, at Jet Hammond ng Southern California.
Bawat isa sa mga nanalo sa Best National Costume ay mag-uuwi ng P100,000.
Ang coronation event naman ng Miss Universe Philippines 2024 ay nakatakdang ganapin sa Mall of Asia Arena sa May 22.