CENTRAL MINDANAO-Sa pagpasok ng bagong administrasyon at sa mga hamon ng panahon, minabuti ni Kabacan Cotabato Municipal Mayor Evangeline Pascua-Guzman kasama si Municipal Planning and Development Coordinator Engr. Randy Baweg na isaayos ang abot sa 19,600,000 na Economic Development Fund para sa anim na buwan ng taong 2022.
Ayon kay MPDC Engr. Baweg, ang mga proyektong napapaloob sa nasabing pondo ay mas kinakailangan at may malaking maitutulong hindi lamang sa isang barangay kundi magiging inclusive ang epektong pang kaunlaran.
Ilan sa mga proyektong ipapatupad ay ang konstruksyon ng mga public comfort room, drainage system, pagsasaayos ng Rural Health Unit Facility, pagpapailaw sa daan ng Naytional Highway, at ang pagsasaayos ng programang Serbisyong Ramdam, Tapat, at Totoo-road rehabilitation program.
Ikinatuwa naman ito ng mga miyembro ng konseho na binubuo ng mga Punong Barangay at mga Civil Society Organizations.
Iminungkahi rin ni Water District Gen.Manager Ferdie Mar Balungay na kaaya-aya ang nasabing pagpapailaw sa mga daan partikyular na ang National Highway simula sa Brgy. Osias.
Sa huli, naging madamdamin si Mayor Gelyn sa pagbibigay ng mainit na suporta ng bawat isang dumalo at sa pag-aproba ng mga programa sa kanyang termino.
Makakaasa umano ang taong bayan na ang kanyang pagseserbisyo ay mararamdaman ng tapat at totoo.