-- Advertisements --

Nakapagtala ng 1,200 metrong taas ng ash plume mula sa Kanlaon Volcano nitong Huwebes ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.

Ayon kay PHIVOLCS chief na si Teresito Bacolcol, inaasahan ang paminsang pagbuga ng abo dahil nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan. Noong Marso, umabot na sa 24 na ash emission events ang naitala.

Ipinaliwanag na dulot ito ng pressure buildup sa ilalim ng bulkan mula sa steam-driven o hydrothermal processes. Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala rin ng 12 volcanic earthquakes at sulfur dioxide emission na 1,524 tonelada kada araw.

Sa ilalim ng Alert Level 2, ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometer Permanent Danger Zone at ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa bulkan dahil sa banta ng biglaang phreatic eruptions. (report by Bombo Jai)