-- Advertisements --
Nagkaroon ng panibagong pagbuga ng abo mula sa crater ng Kanlaon Volcano mula 1:38 PM hanggang 2:07 PM ngayong araw, Hunyo 2, 2025.
Ang insidente ay lumikha ng kulay-abong usok na umabot sa 1,200 metro ang taas bago ito lumipad patungo sa kanluran.
Mismong ang IP camera sa Nature’s View (VKNV) sa La Castellana, Negros Occidental ay nakapag-record ng nasabing volcanic activity.
Kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang Kanlaon Volcano na nangangahulugan ng posibleng mas malakas pang aktibidad ang posibleng maitala.
Mahalaga para sa mga nakatira malapit sa bulkan na manatiling alerto at sumunod sa abiso ng mga awtoridad.