Lumabas sa pag-aaral ng Oxford University na makapag-boost sa immune system ng tao ang “mixed schedule” ng bakunang Pfizer at AstraZeneca.
Kinakailangan lang iturok ang Pfizer vaccine makalipas ang apat na linggo matapos naturukan ng AstraZeneca vaccine.
Mas epektibo umano ang kombinasyon ng dalawang bakuna kaysa dalawang doses ng AstraZeneca.
Ang nasabing pag-aaral ay tinawag na Com-Cov, compared mixed two-dose schedules ng Pfizer at AstraZeneca vaccines.
Nagpo-produce ito ng mataas na concentrations sa antibodies laban sa coronavirus spike protein.
Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng suporta para sa desisyon ng ilang mga bansa sa Europa na nagsimulang mag-alok ng mga kahalili sa AstraZeneca bilang pangalawang shot matapos na maiugnay ang bakuna sa mga rare blood clots.