Pumanaw na ang UFC hall of famer na si Stephan Bonnar, mismong araw ng pasko ng mawalan ng buhay ang manlalaro.
Ayon sa pamilya ng legend, nagkaroon ng komplikasyon sa puso ang 45-taon na si Bonnar.
Nakilala si Bonnar bilang isa sa pinakamahalagang sa pakikipaglaban kay Forrest Griffin na nagpabago sa larangan ng MMA sports na hinding-hindi makakalimutan.
Minahal siya ng mga tagahanga, nakarelasyon at palagi nitong ibinibigaygay sa kanila ang kanyang pinakamahusay na pakikipagtunggali.
Tinaguriang “The American Psycho” si Bonnar na naging maalamat na katayuan kasunod ng kanyang brutal na back-and-forth light heavyweight laban kay Griffin noong 2005.
Bagama’t natalo siya sa laban na iyon sa “The Ultimate Fighter 1 Finale, ang laban ay nag-iwan ng malaking epekto para sa MMA sa pangkalahatan.
Pakikiramay naman ang ipinabot ng kanyang mga fans sa pamilya ng pumanaw na si Bonnar. (report from Bombo Chill Emprido)