-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang mister matapos binaril ng kalaguyo ng kanyang misis sa bayan ng Pototan, Iloilo.

Ang biktima ay si Danny Asuelo, 44, magsasaka at residente ng Brgy. Dawis, Pototan, Iloilo.

Ang suspek naman ay si Leo Sapelino, 47, driver ng harvester at residente ng Brgy. Jamabalud, Pototan, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sgt. Raffy Gonzales, imbestigador ng Pototan Municipal Police Station, sinabi nito na nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang anim na nga anak ng makarining mga kahol ng mga aso.

Nang lumabas ito sa kanilang bahay, nakarinig ng putok ang mga anak ng biktima hanggang sa bumulagta na lang ito at may tama na ng bala sa leeg.

Dinala pa sa ospital ang biktima, ngunit dineklarang dead on arrival.

Kaagad namang tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Napag-alaman na nag-ugat ang galit ng suspek matapos minartilyo ito ng biktima sa ulo.

Ito’y matapos nahuli mismo ng mister ang kanyang misis at si Sapelino na nagatatalik.