-- Advertisements --

Mister patay matapos saksakin ng kanyang sariling biyenan sa Iloilo

Patay ang isang mister matapos anim na beses na sinaksak ng kanyang sariling byenan sa Sitio Camansi, Brgy. Cabalic, Balasan, Iloilo

Ang biktima ay si Jomar Panes, 34 anyos samantalang ang suspek ay si Hernane Arcenas, 50.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Police Staff Sergeant Ramon Allan Elambre, imbestigador ng Balasan Municipal Police Station, sinabi nito na pinagsabihan ng suspek ang biktima matapos nakita na sinasaktan nito ang kanyang live-in partner.

Sa halip na sumunod, pinalo umano ni Panes sa ulo ang kanyang byenan.

Ayon kay Elambre, ito ang dahilan kung bakit nagalit ang byenan at nauwi sa pananaksak.

Dead on arrival sa ospital ang biktima dahil sa malubhang sugat sa dibdib.

Kaagad namang sumuko ang suspek sa otoridad.

Aniya, kailangan din na madaling ma-access ng mga tao ang bakuna –bagay na pinaghahandaan naman ng lalawigan dahil pupuntahan din ang mga transport terminals at mga construction sites para sa vaccination.