-- Advertisements --

Isang engrandeng send off party ang ikinakasa ng Pinoy pageant fans para sa nalalapit na pagbiyahe ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados patungo sa Atlanta, Georgia, na siyang venue ng coronation sa susunod na buwan.

Sa isang Facebook page na naka-pangalan kay Gazini Ganados, hiling ng pageant fans ang buong suporta para sa sa 23-year-old Cebuana beauty na tubong Zamboanga.

Base sa post, nakatakdang bumiyahe pa-Amerika si Ganados sa November 26 o halos isang linggo bago ipasa ng Pinay Miss Universe na si Catriona Magnayon Gray ang prestihiyosong korona sa December 9 (Ph time).

“Hi Everyone! We are calling all the 104 million Filipinos to once again raise our Philippine Flag in the Universe by accompanying our Miss Universe Philippines, Gazini Ganados, to her departure on November 26, 8am, NAIA terminal 2 VIP lounge. Kindly bring your Philippine flag at the airport and look for admin Lynelle Valenciano by contacting her on her Instagram account @lynelle_skyla or message her on Facebook! Thank you! See you there” pahayag sa post.

Dagdag pa sa post na hangga’t maaari ay magsuot ng kahit ano sa kulay asul, pula, dilaw at puti, upang makabuo ng Philippine flag.

Sakaling palarin, ang Fil-Palestinian beauty ang panlimang Miss Universe ng bansa.