-- Advertisements --

Matapos ang tagumpay ni Miss Universe Nicaragua Sheynnis Palacios malaking issue naman ngayon ang pag bawal sa kanyang Miss Universe Director na si Karen Celebertti ang makabalik sa kanilang Bansa matapos ang nasabing Beauty Pageant.

Ipinagbawal ng gobyerno ng Nicaragua ang direktor ni Miss Universe na si Celebertti na makapasok sa bansa kasunod ng tagumpay ng Nicaraguan beauty queen na si Sheynnis Palacios sa 72nd Miss Universe Competition sa El Salvador noong weekend.

Nakakulong ngayon Celeberrti at ang kanyang anak na babae sa pagbalik mula sa Mexico pagkarating nila sa Augusto C. Sandino International Airport sa Managua kamakailan.

Pinigilan ng Directorate of Migration and Foreigners Affairs sa Nicaragua si Karen at ang kanyang anak na babae na makapasok sa bansa kasunod ng mga aktibidad na may kaugnayan sa Miss Universe 2023.