-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kulong ang isang misis matapos saksakin ang sariling mister sa bayan ng Oton, Iloilo.

Ang biktima ay si Melchor Bañares at ang suspek naman na misis ay si Germelyn Bañares, pawang residente ng Brgy. Cagbang, Oton, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain, Richard Lao, deputy station commander ng Oton Municipal Police Station, sinabi nito na nagselos ang misis sa kanyang mister dahilan upang saksakin niya ito sa kamay at paa.

Ayon kay Lao, tumanggi ang mister na sampahan ng kaso ang kanyang misis dahil mahal niya anya ito.

Napag-alaman na may isang anak ang mag-asawa.