Sa bahay na lamang bumabawi ng lakas ang American pop star na si Miley Cyrus kasunod ng matagumpay na operasyon sa kanyang vocal cord.
Batay sa impormasyon, nakalabas na ng ospital ang “Wrecking Ball” singer.
Maging ang singer at bagong boyfriend nitong si Cody Simpson ay tila nagpahiwatig na mabuti naman ang lagay ni Cyrus sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang black-and-white photo with matching caption na “success.”
Noong nakaraang buwan nang magka-tonsillitis si Cyrus at inabisuhan umano ng mga doktor na sumailalim sa operasyon kahit kakailanganin nito ang ilang linggong hindi pagsasalita para tuluyang makarekober.
Kung maaalala, ilang performance rin ng 26-year-old pop star ang ipinagpaliban.
“She (Miley) doing great and will be back and better than ever early next year,” saad daw ng source.
Si Miley ay kakahiwalay lamang sa celebrity ding si Liam Hemsworth kung saan tumagal lamang ng walong buwan ang kanilang married life. (OMG/hollywoodlife photo)