Naglaan ng $1.2 bilyon ang Bill and Melinda Gates Foundation para malabanan ang Polio.
Ang polio kasi ay itinturing na highly infectious disease na kumakalat sa pamamagitan ng contamination ng fecal matter.
Bagamat wala pang gamot ay mayroong tatlong bakuna para magbigay ng 100% immunity.
Patuloy na nagtutulungan ang gobyerno at foundations para matapos ang polio sa Pakistan at Afghanistan ang dalawag huling bansa na patuloy na umiikot ang virus.
Sinabi ni Mark Suzman ang CEO ng Bill & Melinda Gates Foundation na kahit na mahirap ang tuluyang pagtatapos ng nasabing virus ay naniniwala sila na kaya nila itong tuluyang matigil ang pagkalat.
Isinagawa ang anunsiyo ng ilang araw bago isagawa ang Globla Polio Eradication Initiative (GPEI) na gaganapin sa Germany sa darating na Oktubre 18.