Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kanilang agad na tatapusin ang ginagawa nilang electrical audit at ang pagsasaayos ng pasilidad.
Ito ay para hindi na maulit pa ang naganap na power outage sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Mayo 1 at Hunyo 9.
Ayon sa MIAA na mayroon na silang ginanap na pulong sa Manila Electric Company (MERALCO) at MServ para matalakay ang nasabing usapin.
Sinabi pa ni MIAA Officer-in-Charge Bryan Co na pinatunayan ng MServ ang kanilang kakayahan at ipinagmalaki pa ang magandang record nito sa pagbibigay ng serbisyo.
Bukod sa pagsasaayos sa electrical issues ay inaayos na rin nila ang pagsasaayos ng mga pasilidada gaya ng pag-upgrade ng taxi way at ang expansion ng CCTV coverage.