-- Advertisements --
Apektado ng African swine fever (ASF) ang processed meat industry ng bansa.
Sinabi ni Philippine Association of Meat Processor Inc. (PAMPI) vice president Jerome Ong, posibleng magbawas sila ng nasa 10,000 na trabaho mula ng sa mga manufacturer ng mga hamon.
Nilinaw nito na magbabawas lamang sila ng seasonal workers at hindi sila magtatanggal.
Nanawagan din ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na mamamagitan para hindi maapektuhan ang kanilang negosyo sa ASF scare.