Mga Pinoy mula sa mainland USA, dumating na rin sa San Juan, Puerto Rico para i-todo ang suporta para kay Tracy Maureen Perez
Tiwala ang mga Pinoy sa Puerto Rico na makukuha ni Miss World Philippines Tracy Maureen Perez ang second Miss World crown para sa Pilipinas sa kanyang pagsabak sa 70th edition ng pageant ngayong umaga.
Ayon kay Bombo International Correspondent Phryne Cartera Elix direkta sa Puerto Rico, may mga Pinoy pageant fans mula sa mainland US na bumyahe na pa San Juan, ang capital at pinakamalaking lungsod sa Puerto Rico, kung saaan gaganapin ang coronation.
Ayon kay Elix, all-set na ang kanilang flaglets at cheers para sa Cebuana Beauty Queen.
Aniya, mas masaya at safe ngayon para sa mga kandidata at audience, sapagkat hindi na required ang masks sa indoor at outdoor venues sa Puerto Rico dahil bumaba na ang kaso ng Covid-19 sa naturang lugar.
Gaganapin ang pageant las otso ngayong umaga, oras sa Pilipinas.