-- Advertisements --
Tutukan ng Bureau of Immigration ang mga pekeng kompanya na gamit ng mga dayuhan para makakuha ng mga working visa upang makapagtrabaho sa loob ng Pilipinas.
Ayon kay Immigration Commssioner Norman Tansingco na mayroong mga bagong modus nang isailalim sa berepikasyon ang mga kompanya na gamit ng mga dayuhan na nag-aaplay sa kanila ng working visa.
Ayon kay Tansingco na bahagi ito ng kanilang adhikain na wakasan ang pag-abuso sa “visa issuance system” at reorganisasyon ng paraan ng pag-iisyu ng visa sa mga dayuhan na nasa loob at labas ng bansa.
Higit sa 100 kompanya na ang isinasailalim nila sa berepikasyon
Nakikipag-ugnayan ang ahensya sa Department of Justice para matukoy ang mga taong nasa likod nito.