-- Advertisements --

Nakahanda ang mga ospital ng Department of Health sa mga banta dulot ng El Niño phenomenon.

Kaugnay nito, tiniyak ng ahensiya na hindi maaantala ang heallth services para sa publiko.

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa mayroong nakalatag na contingency plan ang DOH sakaling makaranas ng kakapusan ng tubig at kuryente ang mga ospital sa bansa.

Liban dito, gumagawa na rin ng mga angkop na hakbang ang Presidential Task Force on El Niño Response para matugunan ang posibleng kakapusan ng tubig at kuryente.

Nag-endorso na rin ang Health Emergency Management Bureau – Response Division ng DOH ng listahan ng health facilities na may mga isyu sa tubig at kuryente para maprayoridad sakaling magkaroon ng kakapusan.

Dagdag pa ng kalihim na kasalukuyan ng nakikipagtulungan ang DOH sa lahat ng health facilities sa buong bansa sa pag-assess ng kanilang kahandaan sa El Niño at kung paano mapapabuti pa ang kanilang estratehiya at plano kasabay ng pag-peak ng naturang weather phenomenon.

Una ng iniulat ng state weather bureau na nasa 15 probinsiya ang maaaring makaranas ng ng dry conditions habang 22 probinsiya naman ang makakaranas ng dry spell at 30 naman ang maaaring makaranas ng tagtuyot dahil sa epekto ng El Niño na inaasahang magtatagal pahanggang Mayo ng kasalukuyang taon.