-- Advertisements --

Aabot pa lamang sa 35% pa lang ng Public Utility Vehicles (PUV) ang nakakuha ng bagong fare matrix sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa ahensiya na binubuo ito ng 82,000 PUV operators mula sa kabuuang target na 230,000 ang nag-request ng bagong fare matrix.

Pinaalalahanan ni LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano ang mga PUV operator na maaari silang magpunta sa kanilang Regional Franchising and Regulatory Office upang mag-request ng fare matrix para makasingil na sila ng dagdag pasahe.

Babala pa nito maaaring maningil ng dagdag pasahe ang operator at driver kung walang nakapaskil na fare matrix sa loob ng kanilang sasakyan.

Ang sinumang mahuhuling lalabag sa polisiya ay papatawan ng parusa base sa Joint Administrative Order no. 2014-01 at sa mga kundisyong nakapaloob sa kanilang Certificate of Public Convenience.