-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umaabot na sa 20 ang naaresto sa Western Visayas dahil sa paglabag sa election gun ban.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pol. Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) VI, sinabi nito na sa nasabing bilang lima ang naitala sa Negros Occidental,
dalawa sa Bacolod City, tatlo sa Iloilo Provinc, tig-iisa sa Iloilo City Guimaras at tatlo naman sa Aklan.
Ayon kay Solis, ang mga naaresto ay nakunan ng mga baril at patalim.
Nahaharap naman ang mga ini sa kasong paglabag sa Comelec Resolution No. 10741.